matapos akong mag blog-hopping at dumaan daan sa mga blogs ng kung sinu-sino (dahil ako'y bago lamang sa inyong tinatawag na blogosphere at wala naman akong kakilala dito), napag isip-isip ko, bakit nga ba ako ingles nang ingles? haha! lahat ata nang dinaanan ko at tinambayan ay puro panay filipino ang blog. kunsabagay, di naman talaga ako sanay mag-filipino. nakakatawa nga e. purong pinoy ako at kahit kailan di pa naman ako umalis ng pinas pero bakit mas sanay at kumportable ako sa wikang ingles? di kagaya nung mga nadaanan ko na kahit nakatira sila sa ibang bansa ay naroon parin ang wikang filipino. nakaka-awa naman ako.
ah! alam ko na! marahil kasi nakatira ako sa probinsya. sa naga.. na may sariling ring dialekto. lumaki ako sa lugar kung saan lahat ng tao ay naka-bikol. malimit akong nakakakita ng mga nagueno na nagsasalita ng tagalog. kahit may subject na filipino sa mga paaralan na pinasukan ko, hindi pa rin yun sapat para mahubog ang wika sa akin.. kasi naman noong mga unang taon ko sa elementarya, may english policy kami. dapat kahit kakausapin mo ang klasmeyt mo ay mag-ingles ka, kung hindi magbabayad ka na isang piso. yan tuloy mas nasanay ako mag-ingles. kaya nung lumipat ako sa pampublikong paaralan nang grade 4 ako, hindi ko alam ang apostle's creed, our father at hail mary sa tagalog, kahit nga sa bikol e. hahaha. kapag mag rorosaryo na kami sa klase, nag li-lip-sync na lang ako para hindi mahalata nang titser namin. nakakahiya kaya yun. grade 4 na, hindi marunong magdasal. ahahay. ewan ko ba. naiintindihan ko naman ang filipino, hindi lang talaga ako sanay gamitin ito. nung hayskul nga, filipino ang pinakababa kung marka. ironic di ba? yun na nga ang pinaka simpleng subject pero mababa pa din ang nakuha ko.
sabi daw ni pareng pepe, ang hindi magmahal sa sariling wika ay malansa pa sa isda. pero hindi niya nakita na ang pilipinas ay may iba't ibang dialekto sa bawat probinsya kaya talaga hindi naman lahat ng pinoy ay sanay mag filipino. dito lang nga sa probinsya ng bicol, hindi lamang bikol ang dialekto, meron ding rinconada, albaynon at iba pa. hindi ako magtataka kung may mga pinoy na hindi marunong umintindi ng ating sariling wika. di kagaya sa US na english lang talaga ang salita, o sa Japan na niponggo lamang ang gamit. dapat kasi hindi lang ingles ang prinopromote sa mga paaralan.. dapat kung may english-speaking zone, meron ding filipino-speaking zone.. (haha, di ko alam kung pano ang filipino-speaking zone sa tagalog..) para mas malinang ang paggamit ng wikang filipino lalo na sa probinsya. sa manila at sa ibang lugar ay walang problema dahil yun naman talaga ang gamit nila. pero para sa akin at sa iba pang hindi sanay, nabawasan ba ang pagkapinoy namin dahil hindi namin gamay ang wika natin?
sa palagay ko kahit ingles ako nang ingles hanggat nananatili ang pagkapinoy ko sa aking puso hindi kaso yun. hay, buhay!
1.26.2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Hi! Taga bicol ka pala..yan po kasi ang province namin..nakakaintindi ako ng salitang bicol pero konti lang, nakakapag salita din ako minsan ng bikol, kahit na dito ako sa manila lumaki... Anyway, welcome po pala sa mundo ng Blogosphere! Parehas tayong bago dito...hekhek..
..dun naman sa wikang filipino, tama ka nga syempre may mga lugar sa pilipinas na di naman talaga tagalog ang salitang madalas gamitin kaya minsan yung mga probinsyano ginagamit ang ingles...mas magaling pa nga kadalasan mag ingles ang mga probinsyano kaysa sa manilenyo.. Iba-iba rin ang kinalakihan kaya iba ibang salita din ang ginagamit.... Salamat muli sa pagdaan sa aking blog site!
Happy blogging!
hey... salamat sa pagdaan sa haus koh... malufet kah palah... galing sa english... sana maging ganyan den akoh maging kasing galing moh sa pagsusulat sa wikang english... 'ung parang humihinga lang... wehe... funny noon... elementary akoh... may bayad den na piso sa english subjects namen kapag nagtagalog... langyah... magbabayad na lang kme keysa mag-english.. hehe... or naman labagan nang labagan nang rule... or kaya naman bulungan na lang... or palitan nang notes... hehe... english?.. haha... don't think so noon... ang filipino subject... ang subject atah na pinakamataaas koh noon... haha... 'la lang... btw... hey... luv ur page... i luv d' layout... ganda... like it... oh yeah salamat palah sa pagbasa nang kwentong flipflopz koh... sige add kitah sa page koh ha... san mas makadaan akoh nang madalas ditoh... sige.. 'un lang muna hirit koh for now... u have a nice day... Godbless! -di
hidden: salamat salamat.. inadd na kita. hehe. salamat sa pag-agree. haha. kahit nga nung nag-affiliate kami sa manila di pa din ako sanay mag-tagalog. hay buhay nga naman.
di: haha. di naman, di kasi ako nasanay mag-tagalog e kaya english na lng. salamat din sa pagvisit. add na din kita ha. at etong lay-out nakuha ko lang sa tabi-tabi pinersonalized ko nalang. hehe. god bless din!
Post a Comment