3.11.2009

jia you!

jia you. chinese. means do your best.
---


haiz. sa mga oras na ito ako ay 22 years, 1 month, 19 days (and counting) old na. pero bakit feeling ko e 5 years old palang ako na nagsisimulang magadjust sa bagong environment.. kung noon nagaadjust sa pagpasok sa school.. ngayon nag aadjust na salubungin ang adult world. tsk. mahirap pala maging adult. ngayon ko lang kasi ito nafeel. siguro nga dahil sa 22 years ng aking buhay, never pa akong nahiwalay sa family ko, except nung 1 month manila affiliation namin, pero mabilis lang din naman ang 1 month. nasanay ako na naanjan sila, yung tipong everything ay sinusubo lang sayo. yung tipong kahit simpleng household chore di mo magawang perfect. hay. even after graduation kasi binibaby pa ako. kaya ngayon na RN na ako, nakakahiya naman if ill continue with this lifestyle. siyempre gusto ko din naman magkaroon ng sariling buhay.. ng sariling career. kea goodbye na sa paghilata at hello sa real world. sana naman di ako lamunin ng real world. at gagawin ko naman ang lahat para makasabay sa agos ng buhay. naniniwala din kasi ako na kaya natin ang anumang pagsubok sa ating buhay. depende na lang ito sa atin if we will choose to triumph our own giants or kusang magpapatalo na tayo dito.


isa din sa mga realizations ko for the past years.. e i could have done better if i chose to push myself harder. lagi kong sinasabi sa iba na give your best shot in anything you do. pero looking back, parang di ko ata nabibigay ang aking 100%. parang nakuntento na ako sa average at sa good, di na ako nag-aim ng better at best. siguro nga natatakot ako to go beyond my comfort zone na kung tutuusin beyond your comfort zone is your growth zone. haiz. i hope its not too late for me to go on my growth zone.

kaya naman ngayon im really gonna push myself harder. di na ako matatakot.. siguro naman my 4-year preparation is enough para makapagstart ng career. and para mamotivate ako.. i need to set my goal for 2009. dapat this year matapos ko ang lahat ng trainings na kelangan and makahanap na ng work either dito or in anywhere. time is gold ika nga. kea i have to start my life na.

sabi nga diba ang buhay ay isang journey. at eto nanaman ako, nasa starting line. pero anyhow, this time ill do my best na pagtagumpayan ang bagong journey na ito. not only for myself, pero para na din sa family ko at sa Kanya, for His greater glory.

kaya para sa lahat, na kagaya ko din na mag-uumpisa ng byahe or nasa kalagitnaan na ng biyahe, let's all jia you and keep moving forward!♥

12 comments:

Anonymous

Kailangan mataas ang asinta. Kung mababa ang puntirya, mababa din ang tama.

Ilagay mo sa sentro ang Diyos, pangalawa ang pamilya, pangatlo ang kapwa at pang-apat ang buhay mo. Palagay ko, malayo ang mararating mo, basta diretso lang ang lakad, at paminsan-minsang lingon sa pinanggalingan.

Kaya mo iyan!

Anonymous

Hi Friend.. Interesting post.. Nice blog.. Keep up the good work.. Do find time to visit my blog and post your comments.. Take care.. Cheers mate!!!

Anonymous

go jhosel!

yakang-yaka yan! pagnahihirapan atras lang ng siang hakbang... tapos balik ulit, sugod naman ng dalawang hakbang...

wala naman talagang elevator sa success...hagdanan pa din ang gagamitin....ang mahala tuloy-tuloy lang, 'wag susuko...

ok lng din ang matakot sa umpisa...natural yun, first time eh... :)

Good luck ng madami...go! go! go!

eMPi

Maraming pagsubok ang pagdadaan mo sa sinasabing real world... maging handa lang sa lahat ng pagsubok na sasalubungin mo... alam kong kaya mong harapin ang lahat ng yan... Maging tapat lamang sa KANYA! then everything will be fine.

Ciao!

sam1411_luvsCE

yeah!! JIA YOU! JAI YOU! WE can do it LAOPO!! I KNOW WE CAN!! I'm here for you and I know you're there for me!! hehehehehehe.. im short: We're here for each other!! and most importantly HE is there to guide us!! Never lose FAITH!! JIA YOU!! JIA YOU!! JIA YOU!!

Dhianz

wow sistah... parang naririnig koh lang ang sarili koh na nagsasalitah sa post moh... wehe.. minsan mejo pareho takbo nang yutakz naten eh... 'la lang... lately hayz... gusto moh bah mag-open up akoh?.. lolz... ganonz tlgah siguro kapag tumatanda... but kung tutuusin we are still young... ang dme dme pang opportuniy na kayang gawin... pero sometimes parang nde nagagawa... ang dme dmeng lists of goals.. pero sometimes nasa lists lang... and yeah some of d' time eh napu-put lang sa waste.. pero kung tutusin eh marami tayong time... nde lang nabu-budget nang tamah... pero nga naman... pero do things one at a time lang... minsan masyado tayo nagpapaka-focus sa destination naten... na nde naten na-eenjoy ang now... ang journey.. ang kasalukuyan... time goes by so fast... so we gotta enjoy d' every moment dat we still have... and again.. we dunno whenz our last gonna be... nd yeah ang gusto naten sa buhay eh never ending yan... by the time na ma-reach moh lahat nang gusto mong iaccomplish sa buhay eh ur old na by then... so more likely.. u gonna wish nah sana 'ur young again... at mas na-enjoy ang buhay.. funny thing is we always worry... but God knows naman na kung anong mangyayari sa future.. i guess enjoy moh lang ang moment moh... and trust God lang tlgah... and you are so blessed kc kahit papano kaw eh official RN nah... may napuntahan ka nah... so yeah... enjoy everyday life lang... ang galing magsalitah eh noh.. don't wori advice koh ren sa sarili koh yan... ingatz sistah.. Godbless! -di

jhosel

Kuya Mike: salamat po. yea tama ka. dapat wag Siyang kalimutan. sana sana. salamat uli.

sparkzspot: thanks. ill visit your page some time.

superG: salamat po. yea. mas matamis din naman ang success na madaming hirap na pinagdaanan.. salamat sa advice.. wee. :)

marco: salamat po. yup. alam ko namang sa journey kong to naanjan Siya.

laopo: yea. jia you talaga sating dalawa. thank you for being here for me. and siyempre di din kita iiwan.. sabay tayong maglalakbay.. naks! malaking JIA YOU for us! *mwahugs*

sis di: tama ka sis. kaya nga sabay sa aking journey, ineenjoy ko na din ang bawat time. make the best out of it ika nga. i know naman that He has plans for me and nasa sa akin/ sa atin kung pano natin iachieve yung mga plans na yun. haiz sistah. hehehe. sige jia you din para sayo! *hugs*

PaJAY

Aba! mukhang seryoso na to a..nagdadalaga na...hahahaha..ayus yan ners!...gabay lang ni bigbro ang kailangan kaya wag mo syang kalimutan...lahat ng suliranin ay alam kong kaya mong tahakin..at tama ka,time is Gold ika nga...kaso yan lang ang Gold na di nasasanla sa pawnshop..hahahaha..korni..

SUlong ners!...

ORACLE

Sobrang totoo!

Dadagdagan ko lang ng "with a smile"...

Mahirap when we do our best pero nakasimangot tayo...

Do your best with a smile....

yan ang iisipin ko habang ginagawa ko ang mga tags na hindi ko pa nagagawa... huhuhuhu! lolz! =)

Zyra

...jia-you...

It's a never ending cycle, after us it'll be our own children...basta ba we are heading in the right direction, there'll be no problem.

Good Luck Sis and LOVE YOU!

Jez

never stop learning, always open your heart and ear.

it's a big world, it's a long journey...kaya manalig at magtiwala ka kay Bro..

kaya yan! aja!

jhosel

ATTY: hahaha. salamat po. sana nga sana nga makayanan ko. wee. salamat po ng marami.

oracle: haha. yea. sige gagawin ko din yan. ill do my best with a smile. :)

zyra: thanksmuch. sana makarating tayo sa ating tamang destination. salamat for being here for me. luvlots!

jez: salamat po! yea. i know He wants the best for me. :)