04.06.09
pumunta kami ng nabua, hometown ni mama, one-hour drive lang siya mula sa lugar namin. graduation party kasi ng pinsan ko. kaya ayun. kainan nanaman.
04.07.09
50th birthday ng tita ko.. since andun naman lahat sa nabua ang buong family, nagdecide kami na pumunta ng legazpi.. we went to Cagsawa Ruins and Mayon Resthouse. sayang nga at di masyadong nagpakita ang Mayon Volcano, masyado kasing maulap..
sa Cagsawa Ruins kami naglunch, bumili bili na din ng mga souvenirs.. then picture picture. mahilig ako mag jumping shot kaya super talon talon ako. kaya lang mahina ang photographer ko, di nakukuha yung tamang shot. haha. gumaya na din sina tita, super nagtatalon sila. and pati na din si mama. kea lang palpak ang jumping shot ni mama. bumagsak siya sa grounds.. tsk tsk.
after picture taking, umakyat kami sa Mayon Resthouse. kea lang parang minamalas talaga at ma-fog. di nagpakita si Mayon, kaya tumambay nalang kami sa planetarium at nanood ng mga file videos ng pagsabog ng Mayon. mejo sumasakit na din ang knees ni mother so inalalayan ko siya pabalik ng van.
nakarating kami ng nabua at around 7pm.. dun nagdecide si mama na umuwi na kami ng naga kasi masakit na talaga ang knees niya. tiningnan ko naman yung knees niya at thank god wala namang fracture, parang nabinat lang ata yung bones niya, kasi naman at 46 super nag jump pa talaga siya. mejo naguilty nga ako kasi ako nagsimula ng pagtalon. pero yun. nakarating din kami samin at 8pm and dinala namin siya not sa hospital pero dun sa magaling na manghihilot kung saan nila ako dinadala nung bata pa ako. so ayun. hinilot siya and kelangan niyang irest ang kanyang paa until wala na ang maga.
04.08.09
siguro nga blessing in disguise na din yung pagkapilay ni mama kasi nga tulad ng na-ishare ko noon, ako ay isang spoiled brat. wala akong alam na housework except sa pagsaing, pagprito at paglinis ng kwarto. at since ako ang eldest at wala naman kaming maid, kelangang ako gumawa lahat ng houseworks na dati dati ginagawa ni mother ng mag-isa. haha. siguro sabi ng Diyos kelangan ko ng matuto at kamusta naman ako, 22 na, ala pang alam. haha. so ayun. buong wednesday, natuto ako maglaba, magluto and everything else. congrats sakin!
ito na din ang start ng half ng vacation, this time sa father's side naman. dumating din pala yung tito ko from ilo-ilo. pumunta kami ng lcc mall [sa May pa kasi bubuksan ang SM dito] para mag-grocery para sa swimming. kaloka, yung paglabas naming yun almost 15k ang nagastos nia! kaya naman yung pinsan kong 11 yrs old gusto na lang din maging med rep paglaki kasi mapera daw. lol.
04.09.09
pumunta ako sa st.john hospital. oops, di na-ospital si mama, pumunta lang ako dun para magbayad ng training fee dahil natanggap na ako sa training. yey! 3months and a half din ako na magtratrain dun tapos after ng training pwede nila ako iabsorb as nurse I. magsstart na ako sa 17. kala ko nga di ako matatanggap kasi during the interview nung saturday, di ko nasagutan yung nursing question.. buti nalang pinalitan nila yung question nung sinabi ko na di ko alam ang sagot. kamusta naman kasi yung question sakin, 5 rights of delegation, sana nagtanong nalang sila bout sa mga diseases or nursing care e di mas kabisado ko pa. yung isa nga what is glaucoma lang yung question. haisk. pero salamat naman at kahit papano, natanggap ako.
nung hapon, pumunta kami ni tita sa Surfer's Paradise Beach Resort para magpareserve ng room para sa swimming namin. mga 45-min ride din yun mula sa naga. then pag-uwi namin, pumunta kami sa bahay nung isa ko pang tita at dun kami nag picnic. parang resort kasi ang look ng bahay nila.
then after dinner, nag visita-altares kami. yung parang station of the cross. pero this time yung stations nakakalat sa buong downtown ng naga.
04.10.09
super laba uli ang beauty ko. maga pa din ang paa ni mother so yun.. housework. then empake para sa swimming.. nag-prusisyon din kami para sa biyernes santo.
04.11.09
all set na para sa 2-day escapade. umalis kami at around 9, nag-early lunch na din kami para tipid. lol.
first stop namin, sa Basilica Minore, kung saan andun ang Our Lady of Peñafrancia, patron saint ng Bicol.
sa katapat ng church ay ang Sto. Niño Memorial kung saan andun ang puntod ni Lola Ba, ang aking greatgrandmother. namatay siya easter sunday of 2006, kea we always visit her kapag holyweek.
tanghaling tapat, we went to CWC, yung nafeature ko dati dito. this year di lang wakeboarding ang meron sila, they have this Lago del Ray resort kung saan pwede magswim, boating, watersliding and kung anek anek pa. madaming foreigner din ang nagkalat so pati yung entrance fee naka dollars na din.
we then went back to Naga, nag halo-halo muna kami sa Chowking at super-init. haha. plugging.
nag church hopping kami after. parang visita iglesias. pumunta kami ng 'hinulid', yung dinadayo ng mga devotees dito, then Quepayo Church.
as usual, gutom nanaman kami so nagstop-over muna para kumain sa Oyster Villa.
pinick-up lang namin yung baggages namin sa bahay ni lola then diretsyo na kami sa Surfers para sa swimming.
04.12.09
swimming uli habang di pa masyadong mainit. 8am na kami umalis ng resort.. pagdating ng naga, nagbreakfast muna kami sa Biggs'.
then pagdating sa bahay ni lola super natulog kaming lahat. or i dont know, basta tulog ako hanggang 11am. haha. gumising nalang kami para mag lunch sa Tokyo-Tokyo..haha. pagod na kasi kami lahat at ayaw ng magluto. mga tamad. lol.
nung hapong yun, nagsalu-salo uli kami dun sa bahay ni lola then nung evening hinatid na namin si tito at babalik na siya ng ilo-ilo for work.
so yan. nung monday, inasikaso ko kasi yung application ko dun sa isang hospital kaya di ako nakapag-blog, kahapon naman, super nag housework ako uli. lol. so talagang ngayon lang nakabalik sa blogosphere.. aw. mejo okay na din si mama, pero rest pa din para di siya mabinat. haisk. :)
na miss ko kayo!! pahugs nga! :)
12 comments:
huwaw! ang events...sobrang nakaka-overwhelm ito... aheks... nweiz welkambak... aheks...naunahan kita sa aking pagbabalik... :D
ang mahaaaaaaaaaaaaaaaba at sulit na bakasyon... ang saya siguro nyan..
sige, bago ang lahat welcome back na muna...kitakits Jhosel!
hayyzzz, girl, fully booked pala sched mo weh...kumusta naman paa mo sa kakapasyal pasyal? ahihihi
so, see you when i see you....
welcome girl, welcome back!
wawawiiiiiii..
haba ng bakasyon..haba rin ng post..hehehe
maligayang pagbabalik kapatid na adik...lolz..
naks! mag tetraining na o!...gudlak!..
sulit na sulit ang post a...diary nga...heheheh
Wow!!!Daming events, pati paglalaba lolzzz
Welcome Back!!!
Naks! events kung events ito... hehehe!
oy! good luck sa training mo... :)
wow! ang saya naman ng holy week 2009 mu sis.. hehehe.. happy, happy, happy...
SA LAHAT: salamat salamat. it was a great time kasama ang family pati na din Siya.
namiss ko kayo lahat!!
aw. yea. nagstart na nga ang training ko.. 2 wks muna kami lecture then the rest of the months, duty na..
salamat uli y'all!! mwahugs!
eto ang da best pag summer..dami dami pictures...
sulit na sulit ata ang bakasyon mo mare..
weeee..
Grabe, ang saya. Kakainggit! Bonding, kainan, pasyal, kwentuhan pero hindi pa rin nakalimutan ang reflection kay BOSS! Ayos!
Nice...
Sana ok na si Mama. Pati ang duty mo maging maayos din sana.
Samahan ka lagi ni BOss!
Welcome Back!! Kainggit ah!! Great shots! makapag-post nga din ng pics namin nung nag-island hopping kami kahapon. puntahan mo bukas site ko ha. hehe. thanks.
Monz Avenue
Post a Comment