3.13.2009

FUN RUN

HAPPY BIRTHDAY KUYA JIM!!! and since its your day..im gonna feature your song 'FUN RUN' for today.. wee. may you have more blessings.. more songs to write para mas madami ka pang mainspire.. tho your not my biological kuya, im lucky to have you as one of my friends.. luvualways! tc!


Fun Run
composed and sung by Jimmar San Buenaventura

Ang buhay nga naman
Minsan di maintindihan
Maraming bagay ang dapat maunawaan
Wala namang problemang di kayang malampasan
Di mo pansinin lalong di magkakaunawaan

Dahil sa lakas ng loob nating kabataan
Posibleng maabot ang langit basta..
Sabay sabay tayong tatakbo ng matulin
Patungo sa pangarap na nais abutin
Sabay sabay tayong madadapa't matuto
Babangon mula sa pagsubok at sa pagkatalo

Kayang kaya basta't kapit ka lang
'Wag kalimutang magkasama tayo..

Kahit madilim man ang pinagdadaanan
Basta't tinig ng puso ang siyang pinakikinggan
Walang maling landas kung tiwala'y na riyan
Sa Diyos, sa sarili at sa bawat nilalang

Dahil sa lakas ng loob nating kabataan
Posibleng maabot ang langit basta..

Sabay sabay tayong tatakbo ng matulin
Patungo sa pangarap na nais abutin
Sabay sabay tayong madadapa't matuto
Babangon mula sa pagsubok at sa pagkatalo

Kayang kaya basta't kapit ka lang
'Wag kalimutang magkasama tayo..

Sumabay man ang ulan, sa pagod at sakit,
Maputikan man ang pagkatao't
Bumitiw sa pagkapit,
paghiwalayin man ng tadhana
ay iisa... iisa pa rin..

Dahil sa lakas ng loob nating kabataan
Posibleng maabot ang langit basta..

Sabay sabay tayong tatakbo ng matulin
Patungo sa pangarap na nais abutin
Sabay sabay tayong madadapa't matuto
Babangon mula sa pagsubok at sa pagkatalo

Kayang kaya basta't kapit ka lang
'Wag kalimutang magkasama tayo..






*fun run is an original composition of Kuya Jim. We used this as our campaign jingle when we ran for the student government last 2007. This was also his entry for Globe Kantabataan and made it into the semis.

for more kuya jim's songs.. click HERE.

9 comments:

2ngaw

Hehehe :D Birthday na nman!!!dami daming may birthday wala man lang makain lolzz

HAPPY BIRTHDAY KUYA JIM!!! naki-kuya na ako ah...

jhosel

haha.. unplanned nga itong bday post na ito. bigla ko lang naggawa ngayong umaga.. saka fave ko din kasi tong song nia e. ahehe. salamat po CM. haha. mas matanda ka pa dun. ahehe. 2 years lang naman xia older sakin e. ahehe. niwies. salamat uli.

Dhianz

naks.. another bday greeting for ur friend... ang sweet sweet moh naman sistah... parah kang akoh ah... lolz... sige i-feature moh ren lahat nang bloggers na may bday... wehe... ingatz lagi sistah... u have a nice weekend.. nga palah... kinukuletz kitah last time sa plurk kaso 'la kah don eh... YM moh palah?... so yeah... mejo may probz computer koh... mejo pagong... ingatz... Godbless! -di

HaPPY BiRTHDaY sa friend mong si Jim! =)

Jez

oo nga, daming may birthday sa buwan ng marso!
curios tuloy ako, ano kayang buwan ang pinaka maraming ipinanganak?

Unknown

hapi birthday kuya jim!!

at hapi fun run..

Anonymous

aheks...parang radio station lang ah...ang daming pabati...aheks... happy bday...bait tlaga jhosel ohh... :)

pero bakit nga ba madaming may birthday ng march?...

cguro june-august yung simula ng tag-ulan, malamig...mating season ata yun...tpos after 9 months mga march yun..manganganak na sila...ahehehe..imbento ko lang...ahahaha... :)

Anonymous

Hi Jhosel!

Wow angganda ng kanta! Very inspiring.

BTW, care to xchange links? Pls comment back to confirm.. ^_^

Mon

Zyra

Happy Birthday, Kuya Jim...(nakikuya na rin)

ganda ng song...pramis...

jhosel

sis di: hahaha.. last na to ngayong march.. may na ang sunod na bday.. ahehe. oh yea. di nga tayo nakapang-abot sa plurk.. jecl_blu18 ang YM ko.. nasabi ko na ata dun sa cbox mo.. add mo na lang ako sistah..
ikaw din.. hav a great week-end.. fully recovered ka na ba? if not rest well this week-end para tuloy tuloy na ang paggaling. wee. salamat sa paggreet kay kuya jim.

jez: haha. madami talagang march, april and may babies.. yan daw ang months na pinakamaraming pinapanganak dito sa phil. ahehe.

vanvan: thanks po. tc sis!

superG: ahaha. tama ka superG. nalesson namin yan one time.. nakalimutan ko na kung wat subject.. ahehe. sabi daw march-may ang pinakamadaming pinapanganak kasi daw mating season ang june-aug tsaka daw december.. ahahaha.

Mon: yea. i really love this song. actually madami pa xiang gawang maganda kea lang yung iba nasa dialect namin e. sure, ill add u up.

zyra: haha. kelangan mo talaga maki-kuya kasi si KUYA JIM to.. remember mo nung highschool nung kinanta nia and ATE LEA yung Pano Ako (Kung Mayo Na Ika).. ahehe. kakilala mo din si kuya jim e. wee. :)